Ngayong araw, pormal na pong nagkaroon ng pagpupulong para sa nalalapit na pag bubukas ng Mabini Potable Water. Nagkaroon din ng pag tetest ng tubig na nagsisiguro na ang tubig ay ligtas na inumin.
Pinangunahan ng ating butihing Municipal Vice Mayor Philipp G. Peralta, Barangay at Sk Officials ng Brgy. Mabini, mga mamamayan at pati na rin ng mga mamamayan mula sa mga karatig barangay na nagagalak sa papalapit na pagbukas ng nasabing proyekto.
Layunin ng Mabini Potable Water na makapagbigay ng malinis, ligtas, at de-kalidad na inuming tubig hindi lamang sa mga taga Brgy. Mabini, pati na rin sa mga residente sa kalapit Barangay. Taos puso po kaming nagpapasalamat kay Congresswoman Marlyn Primicias-Agabas sa inyong tulong upang magkaroon ng malinis na tubig ang Brgy. Mabini.