126TH INDEPENDENCE DAY
Ang Bayan ng Balungao, mula sa pamumuno ni Mayor Riza Rodriguez Peralta ay nakikiisa sa ating nasyon sa pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas na may temang: “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.”
Nagkaroon ng maikling programa, at pag-aalay ng bulaklak sa Bantayog ni Jose Rizal ang seremonya sa paggunita ng ika-126 na Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas na dinaluhan ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Balungao sa pamumuno ni Mayor Riza Rodriguez Peralta, mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangangasiwa ni Vice Mayor Philipp Peralta, mga Punong-Guro mula sa iba’t-ibang paaralan ng Balungao sa pangunguna ni PSDS Dr. Mildred Espiritu, kasama rin si Sir Michael David Casignia, MLGOO, miyembro at kawani mula sa Tri-Bureau: BFP, BJMP, at PNP, mga Kapitan at SK mula sa iba’t-ibang barangay ng Balungao.
Ayon kay Mayor Riza, ang pagiging isang bayani ay hindi lamang makikita sa pagbubuwis ng buhay o pakikipaglaban sa ibang nasyon upang makamit ang kalayaan, sapagkat ang pagtulong, pagkakaroon ng malasakit at pagmamahal sa kapwa ay maituturing din kabayanihan.