Nagbahagi ang ating LGU ng mga rice fertilizer vouchers upang masuportahan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayang magsasaka. Ito ay naisagawa sa pagtutulungan nina Cong. Marlyn “Len” Primicias-Agabas at Mayor Maria Theresa “Riza” Peralta. Ang suportang ito ay makatutulong sa ating mga rice farmers upang matugunan ang tumataas na presyo ng fertilizer.