Proklimasyon Blg. 1041, s. 1997

Proklimasyon Blg. 1041, s. 1997
NAGPAPAHAYAG NG TAUNANG PAGDIRIWANG TUWING AGOSTO 1-31 BILANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA
Kaisa ng Lokal na Pamahalaan ng Balungao, Pangasinan mula sa pamumuno ng ating butihing Alkalde, Kgg. Maria Theresa Rodriguez Peralta ang buong bansa sa pagdiriwang nito ng taunang Buwan ng Wika.
Ang tema ngayong taon ay:
Filipino at mga Katutubong Wika:
Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong
Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan
Ang tema ng Buwan ng Wika 2023 ay pagkilala sa katotohanan ng pagiging linguistically diversed ng Pilipinas na pinatutunayan ng pag-iral ng napakaraming wika na ayon kay Emma H.Santos-Castillo ng Pamantasang Normal ng Pilipinas at Linguistic Society of the Philippines (2008) ay nasa “70 to 120 languages/dialects depending on who is counting and what criteria are used for counting.” Para sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) nasa 134 ang bílang ng mga wika sa bansa kasama ang Filipino Sign Language (FSL) sa bisa ng Batas Republika Blg. 11106 na kapuwa kinikilala sa Early Years Act (Batas Republika Blg. 10410) at ng Enhanced Basic Education Act (Batas Republika Blg. 10533).
Batayan: Komisyon sa Wikang Filipino

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Copyright © 2015 Official LGU Website of Balungao Pangasinan. All rights reserved.

Powered by: PC Survivor Web Hosting