ANO: Mobile Blood Donation
KAILAN: August 11, 2023
SAAN: 3rd Floor – Municipal Hall
Ano ang benepisyo na makukuha ko sa pagdodonate ng dugo?
1. Walang direktang benepisyo – pinansyal o regalo – ang pagbibigay ng dugo, sa nagbigay ng dugo. Ngunit may mga ilan kang maaaring makuha, tulad ng isang libreng pagpapatingin o checkup sa doktor. Maaaring makita na ikaw mismo pala ay may sakit na kailangan mong tugunan.
2. Malalaman mo rin kung ano ang iyong blood type o klase ng dugo, at lalo nang mas importante ito kung ang klase ng dugo mo ay hindi pangkaraniwan. Kapag ikaw naman ang nangangailangan ng dugo sa hinaharap, alam mo kung gaano kasigasig dapat kayo magkalap ng dugo depende sa klase ng dugo mo.
3. Maaaring pinakamahalaga ay ang kaalaman na ang oras at parte ng katawan mo na binigay mo ay makatutulong magligtas ng buhay. Ang positibong pakiramdan, at ang kabuluhan na dulot ng iyong ginawa, ay may magandang dulot sa kalusugan ng gumawa ng mabuti. Mas makabuluhan, mas mababa ang panganib para sa depression, at mas maaari ka rin, bilang blood donor, magkaroon ng mas mahabang buhay.
Source: RiteMEd Official Website