Noong July 29, 2023 ay nagdaos ng taunang Nutrition Month Celebration ang LGU Balungao na may temang “Healthy Diet gawing Affordable for all”.Nagkaroon ng Cook Fest na dinaluhan ng mga Barangay Health Workers at Nutrition Scholars, at distribusyon ng mga Vitamins at Golden Rice para sa mga batang undernourished.
Pinaalalahanan ni Mayor Riza Rodriguez Peralta ang mga dumalo ng kahalagahan ng wastong nutrisiyon at ang pagpapalawig na programa ng LGU upang mapabuti ang kalagayan ng mga tao.
Kabilang sa mga dumalo ay ang ating MLGOO Analyn Cuyop, Ma’am Camella Macayan-Public Health Nutritionist, Ma’am Nice Galamgam-MNAO Designate of LGU Rosales, Municipal Councilors: Hon. Roderick Soriano, Hon. Jose Peralta III, at Hon. Roozemond Peralta, at kasama rin ang mga heads of offices ng lokal na pamahalaan. Ang programa ay inasistihan ng mga empleyado mula sa RHU Balungao na pinamamahalaan ni Dra. Cheryl Mae Hernandez De Castro, MHO.