Mula sa tanggapan ni Cong. Marlyn Primicias-Agabas, kasama ng tanggapan ni Mayor Riza Rodriguez Peralta at ng Lokal na Pamahalaan ng Balungao, ay maghahatid ng libreng “Eye Care Check-up at Consultation” para sa mga Senior Citizen ng ating bayan.
Ito ay gaganapin sa Sabado – July 15, 2023 sa ating Municipal Gymnasium at magsisimula ng 8:00 ng umaga.
Mayroong 600 slots para sa libreng check-up at consultation, at ito po ay “First Come, First Served” basis.