PAGLILINAW:
Ayon sa Guidelines mula sa Department of Agriculture, ang Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) na naisabatas sa Republic Act no. 11203 noong February 14, 2019. Ang eksaktong halaga ng assistance na matatanggap ng mga kwalipikadong rice farmers ay limang libong piso (P5,000). Ito po ay makikita sa larawan ng Memorandum Circular No. 16 series of 2019.
Maari pong lamang sumangguni sa Municipal Agriculture Office para sa iba pang katanungan kaugnay sa bagay na ito.