MSWDO at Balungao PNP agad na binisita ang pamilya na naapektuhan ng sunog

Agad na binisita ng MSWDO Quart team at Balungao PNP ang pamilya na naapektuhan ng sunog sa Purok 2 Barangay Poblacion Balungao Pangasinan para maibigay ang maagap at mapagkalingang serbisyo sa pamumuno ng LGU Balungao Quart team Leader na si Mayor Maria Theresa Rodriguez Peralta.
Maliban sa relief goods, hygiene kit tulad ng mga damit, sabon, toothbrush, mga panloob, alcohol o hand sanitizers, towels at iba pang mga kasuotan na ipinamahagi ng Municipal Social Welfare and Development Office at Bureau of Fire Protection ng balungao, sasailalim din sa mental health at psychological support ang mga naging biktima ng sunog.
Kaya Pinapaalalahanan po ang lahat na patuloy na mag-ingat. At bawat miyembro ng pamilya ay maging Listo tungkol sa fire safety drills and procedures upang maging ligtas sakaling magkaroon ng sunog.
Ayon kay Mayor Maria Theresa R. Peralta mahalaga na malaman ng mga miyembro ng tahanan ang paraan para maiwasan ang sunog at mga gagawin sakaling may insidente dapat ay siguraduhin ang mga gamit sa bahay tulad ng mga electronic devices na nasa maayos na saksakan at ang liquified petroleum gas (LPG) at iba pang kagamitan sa pagluluto ay nakapatay kung hindi gagamitin.
Maging ang mga susi sa mga lock ng bintana, pinto, gate at mga padlocks ay dapat nasa isang lugar at may mga nakalagay na label upang madaling makalabas sakaling may insidente ng sunog.
Dagdag pa niya na Mahalaga na mainam na iligtas muna ang sarili at mga miyembro ng pamilya sa halip na mga gamit sa bahay ang hakutin at tiyakin na may mga fire exit ang kabahayan.
#HelpUsHelpYou
#HatawBalungao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Copyright © 2015 Official LGU Website of Balungao Pangasinan. All rights reserved.

Powered by: PC Survivor Web Hosting