Extended po ang assessment at pagbabayad ng 2023 Business Permit Renewal.
Sa extension na ito, hindi mapapatawan ng penalty at surcharges ang mga business owners na mag-aasikaso ng kanilang mga business permit renewal hanggang sa February 28, 2023.
Paglagpas ng extension ay babalik at mapapatawan na po ng penalty at surcharges ang mga business owners na hindi makakapag renew ng kanilang business permit.