Turn-over ceremony ng Tobacco Curing Barn, isinagawa sa Balungao


Turn-over ceremony ng Tobacco Curing Barn, isinagawa sa Balungao
Pinangunahan ni Gobernador Amado I. Espino III ang paglagda sa memorandum of agreement (MOA) at pag-turn over ng tobacco curing barn sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Balungao ngayong araw, January 28.
Bago ang nasabing programa sa Balungao, nauna itong isinagawa sa Brgy. Sitio Silsilay, Sto. Domingo sa bayan ng San Manuel.
Layon ng proyekto na suportahan ang mga magsasaka na nagtatanim ng tobacco upang mapabilis at mapalago ang kalidad ng tobacco sa probinsya at mas lalong madagdagan ang kita ng mga tobacco farmers sa lalawigan.
Nagmula sa Tobacco Excise Tax CY 2016 ang pondo sa pagtatayo ng nasabing curing barn, habang ang MOA signing naman ay batay sa Provincial Resolution 2013-2021 na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan noong Enero 18.
Kasama ni Gob. Espino na pumirma ng MOA si Balungao Mayor Maria Theresa R. Peralta.
Dumalo rin sa programa sina 6th District Board Member Noel Bince, Board Member Salvador Perez, Jr., Balungao Vice Mayor Philipp DG. Peralta, Provincial Agriculturist Dalisay Moya, Assistant Provincial Agriculturist Nestor Batalla, municipal officials ng Balungao at ilang mga magsasaka.
/Diane A. Tinambacan (Photos by Kenneth Soriano and Modz Magat)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Copyright © 2015 Official LGU Website of Balungao Pangasinan. All rights reserved.

Powered by: PC Survivor Web Hosting